KV Dare

Stories: 2

Stories by name

Sweet Seduction (Tagalog)
Sweet Seduction (Tagalog)
Hindi inaakala ni Kamille na mahuhulog siya sa kanilang gwapong hardinero. Nasanay man siya na lahat ng gusto niya'y kaniyang nakukuha pero mukhang mahihirapan siya pagdating sa lalaking ito. Masyado itong mailap sa kaniya, at kahit halos ibandera na niya rito ang buong katawan niya ay hindi man lang siya magawang tapunan nito kahit kapirasong pagnanasa. Mapapainit ba niya ang damdamin nito para sa kaniya? O mabibigo siya sa unang pagkakataon pagdating sa isang lalaki? Posible bang mapansin siya nito? Paano kung hindi na lang pala basta pagkuha ng atensyon nito ang gusto niya? Paano kung pati puso niya ay nabihag na rin nito?
161
Romance(ph)
Grace Under Fire
Grace Under Fire
Si Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles, sa kaniyang kababata na pinili niyang pakasalan ngunit nagkamali siya. Isang malaking pagkakamali lang pala iyon dahil matagal na siyang niloloko nito ng hindi niya nalalaman. Hanggang sa isang lalaki ang pilit siyang ginigising sa katotohanan, si Hale Vandrous Frommette. Ang antipatikong lalaki na pinag-uusapan sa kanilang Village dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Ayaw niyang magtiwala rito noong una dahil sa bulung-bulungan tungkol sa ugali nito. Pero paano kung ang taong ito pa pala ang may tunay na intensyon at mabuting hangarin para sa kaniya? Mas pipiliin ba niya itong paniwalaan kaysa sa taong nakasama niya sa loob ng mahigit isang dekada? At paano kung dito nya maramdaman ang mala-fairy tale na love story na matagal na niyang inaasam? May pag-asa pa kaya para sa kanilang dalawa kung nakatali na siya sa iba?
9
Romance(ph)
- No More -